Nilinaw ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hindi maaaring tanggalin ang mga hindi bakunadong empleyado ngunit maaari silang bawalan na pumasok sa kanilang trabaho.
“You cannot fire an employee just because he refuses to be vaccinated, because vaccination is not a mandatory obligation of anybody, including workers, wala pang batas kasi,” ayon kay Bello.
“You cannot dismiss an employee without legal basis, and non-vaccination is not a legal basis,” ani Bello. “However, may IATF resolution na nagsasabi na kapag alert level 3, puwede na mag-operate pero kailangan na fully vaccinated na ang mga empleyado. `Yon meron nang batas, so that’s now an exemption, ngayon may legal basis na, kasi meron nang IATF.”
Paliwanag ni Bello, nakasaad sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na sa ilalim ng alert level 3, ang mga establisimiyentong maaaring magbukas ng kanilang negosyo ay dapat bakunado ang lahat ng empleyado.
Kabilang sa mga negosyong ito ay restaurants, spas at kung saan may mataas na hawaan ng COVID-19, ayon kay Bello
“Ang inilabas pong IATF resolution ay para lang po sa iilang negosyo, tulad po ng restaurants at spa, pinapayagan po silang mag-offer ng dine-in service or in-person services provided that employees are vaccinated,” ani ni Bello.
Sa tanong kung nangangahulugan ba ito na maaari nang sibakin ang mga empleyadong ayaw pabakuna kontra COVID, ito ang tugon ni Bello: “Correct, because now there is an obligation on part of employer na kailangan vaccinated yung mga empleyado niya.”
“So he can require `yong mga empleyado na magpabakuna na because now there is a legal basis,” wika pa ng kalihim.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY