Idinipensa ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang sarili kaugnay sa insidente ng pagbangga umano niya sa police vehicle. Kung saan, nagkaroon ng habulan at niratrat pa ang kanyang SUV. May natamaang delivery food rider na natamaan ng bala sa insidente.
Ayon kay Jake, wala siyang nabanggang sasakyan gaya ng pagdidiin ng pulis. Nagkataong may ikinakasang drug operation ang operatiba noon. Kaya, naisipan ng aktor na umiwas at baka madamay siya. Baka mapagkamalan pa siyang ‘partner of the crime’.
Patungo siya noon sa bahay ng kaibigang aktor na si Paolo Avelino. Hindi siya aware na may ganun ngang operasyon ang operatiba. Hinabol siya ng mga unmarked vehicles na lulan pala ng undercover cops.
Aniya, nang maabutan siya sa chase, hindi siya nanlaban. Hindi nila siya pinahirapan.
” Pinara ako ng mga pulis. Huminto ako. Tsinek nila ang loob at wala silang nakitang iligal dun. I followed everything that they wanted me to do,” saad ni Jake.
“Nagulat ako kung bakit huhulihin ko. At ang awkward pa rito, pinaputukan ako. Kaya, natrauma ako at that moment,” aniya.
Paglilinaw ni Jake, hindi siya nakulong at nabawi na niya ang kanyang SUV.
” Gusto ko lang maayos ang gusot. Wala akong planong magsampa ng kaso sa undercover cops. Tungkulin nila iyon. Naipit lang tayo sa sitwasyon. Walang may gusto nung nangyari,” saad pa ng aktor na halos maluha-luha na.
Nangako naman ang aktor na tutulungan ang Grab driver na natamaan ng stray bullet. Na ang pangalan nito ay Eleazer Maritinito. Kaugnay dito, humingi ng paumanhin si PNP Chief Guillermo Eleazar sa nangyaring insidente patungkol sa driver.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?