NAGPALABAS ng utos si Philippine National Police (PNP) Chief PGen Guillermo Lorenzo Eleazar, sa mga unit commander na simulan na ang kanilang mga inilatag na planong seguridad para sa gaganaping Election 2021 security plan sa kani-kanilang mga sakop na area of responsibilities o aor para alamin ang mga lugar na mainit ang political rivalries matapos ang filing ng Certificate of Candidaaky.
Sinabi ni Eleazar “Ngayong nagkakaroon na ng linaw kung sinu-sino ang maglalaban-laban lalo na sa mga local elective position, inaasahan na natin ang mainitang political rivalries na posibleng mauwi sa karahasan kaya inatasan ko na ang ating mga unit commanders na umpisahan na ang paghahanda upang tiyaking walang kaguluhang mangyayari sa kani-kanilang area of responsibility.”
Maliban sa pagbabantay ng seguridad para sa honest, peaceful and orderly na halalan sa May 2021 ay maigting din ang kampanya ng PNP laban sa mga loose firearms at paglansag sa mga armed groups at mga private armies sa iba’t -ibang dako ng bansa.
Dagdag pa ng PNP Candidacy “I also ordered our Intelligence Group to start the monitoring and background check on all the candidates who have the history, the potential and the means to sow violence as part of our aggressive efforts to ensure the honest and peaceful elections next year.”
Samantala magtatapos na ngayon October 8, ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) at Certificate of Nomination and Acceptance (CONAs).
Tiniyak din ni Eleazar na nanatiling tahimik at maayos ang filing ng COC’s at CONAs sa buong bansa at patuloy umanong nakaalerto ang kapulisan upang tiyaking walang kaguluhang magaganap sa natitirang dalawang araw na nalalabi sa idinadaos na filing sa mga tanggapan ng Comelec. (KOI HIPOLITO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY