
Totoo kaya ang nakuha naming balita na tatakbo si Karla Estrada sa 2022 national elections. Ang siste, kakandidato raw ito bilang representative sa Region 8. Nagfile na raw ang aktres-host ng COC.
Party-list daw mula sa Tacloban ang tatakbuhan niyang posisyon. Sa kabila nito, hindi raw siya magre-resign bilang host ng ‘Magandang Buhay’. Kung saan, kasama niya rito sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros.
