November 3, 2024

NAVOTAS NAMAHAGI NG ALLOWANCE SA SPED STUDENTS

Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tianco. Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at 22 naman ang college students. (JUVY LUCERO)

Ipinamahagi na ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang cash allowance para sa special education (SPED) students.

Nasa 376 benepisyaro ng Persons with Disabilities (PWD) Students Educational Assistance/Scholarship ang nakatanggap ng kanilang cash allowance.

Sa number na ito, 341 ang elementary pupils, 13 ang high school students, at 22 naman ang college students.

Sa ilalim ng scholarship, magbibigay ang Navotas sa PWD students ng P500 monthly educational assistance o P5,000 kada academic year.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, layon nito na kahit sa munting paraan, matutulungan sila ng pamahalaang lungsod sa kanilang pag-aaral.

Ang mga aplikante sa programa ay kailangan Navoteños o kahit isa sa kanilang mga magulang /guardians ay bonifide residents at rehistradong botante sa Navotas.

Kailangan magpatala sila sa isang pampublikong paaralan o anumang paaralan na SPED sa lungsod.

Dapat mayroon din silang PWD identification card na inisyu o validated ng Persons with Disability Affairs Office (PDAO) at ang kanilang pamilya ay hindi dapat beneficiary ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.