TINIYAK ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. sa mga Filipino na wala silang dapat ikabahala ngayong naisabatas na ang anti-terrorism bill.
Isang araw matapos lagdaan ng Pangulong ang naturang batas, sinabi ni Esperon sa isang virtual press briefing ngayong Sabado, hindi sakop ng batas ang mga taong nagpoprotesta nang “mapayapa.”
“Kung tahimik naman sila, huwag sila mababahala. Kung ang pakay mo bilang aktibista ay magsaad ng iyong mga hinaing, social injustices, or request for better treatment or ideas, papayagan natin ‘yan,” paliwanag niya.
‘Yung mga nababahala, aniya, ay ang mga taong sumusuporta sa terorista at armadong pakikibaka.
“Ang mga natatakot dito ay ‘yung sinasabing tahimik sila pero nagususporta naman sa terorista, nagsusuporta naman sa armed struggle. ‘Yun ang mga kinakabahan ngayon dito dahil hindi natin papayagan ‘yun,” dagdag pa niya.
Binanggit ni Esperon ang sinasabi sa Section 4 ng batas na hindi terorismo ang pagpoprotesta, adbokasiya, pagtutol, paghinto sa trabaho, industrial o mass action, at iba pang katulad na pagsasanay ng mga karapatang sibil at pampulitika.
More Stories
INILABAS NA TRAVEL ADVISORY NG CHINA VS ‘PINAS WALANG BASEHAN – PCG
ACIDRE KAY ROQUE: IMBES UMAPELA SA QATAR, TULUNGAN MGA NAARESTONG OFW
KRIS AQUINO INIINDA SAKIT NA LUPUS FLARE