November 5, 2024

AIKO MELENDEZ, NANAWAGAN SA POSIBLENG MAKAKALABAN SA POSISYON ” I COME HERE IN PEACE, DI PO AKO KAAWAY”

Nanawagan si Aiko Melendez sa kanyang potential na makalalaban sa 2022 elections. Hindi kasi sport ang ginagawa ng mga ito sa aktres. Natatakot ba sila sa karisma ni Aiko. Kaya, pinagbaklas nila ang mga posters at tarpaulin nito sa Quezon City?

Ano pa nga ba!
Ayon sa aktres, kapayapaan ang kanyang hatid sa kompetisyon. Anumang posisyon ang kanyang takbuhan. Kaya, di dapat siya ginagawan ng kabarubalan. Dalawang posisyon ang target niya kung sakali. Ang maging Congresswoman o Councilor ng District 5.


Kung gayun, makababangga nito ang kapwa kasamahan sa showbiz na si Alfred Vargas! Pero, alam nating walang kinalaman dito ang Kongresista. Baka mayroong sumira sa kanilang dalawa.


Wala kasing maibutas o isyung maipukol ang kalaban sa aktres. Kaya, nagkukumahog na i-bluff siya. Bumabalik lang siya sa politika dahil gusto niyang makatulong pa ng husto.
Kaya, di na neophyte si Aiko dahil naging lingkod-bayan din siya ng Q.C 9 years ago.


“Sa mga makakalaban ko po sa politika kung anuman ang posisyon na tatakbuhin ko, gusto ko lang iparating sa inyo, I come here in peace hindi po ako kaaway,” saad ni Aiko.
“Hindi po ito ang panahon para mag-away tayo at hindi rin ito ang panahong magbaklasan tayo ng tarpaulin,” aniya sa kanyang FB live.


Bilang patunay, ipinakita pa ni Aiko ang tarpaulin niya na pinagtatanggal. Sa ngayon ay nasa lock-in taping para sa book 2 ng Primadonnas. Lumabas lang siya sa taping para asikasuhin at alamin ang mga nangyayari.