HINIKAYAT ng partidong Kilusang Bagong Lipunan (KBL) si dating Senador Bongbong Marcos para tumakbong Pangulo sa Presidential race sa 2022.
Itoy matapos ang ginawang endorsement ng KBL BBM sa ginanap na national convention sa Binangonan, Rizal nitong Biyernes.
Inanunsyo rin ng KBL ang nominasyon kay Atty. Larry Gadon bilang kanilang senatorial candidate.
Labis namang ikinagalak ni Sen. Bongbong ang nasabing nominasyon, lalo na’t ito ang partidong itinayo ng kanyang ama. Pero sinabi ni Marcos na wala pa syang pasiya kung anong pwesto ang tatakbuhan.
“I am of course overwhelmed by the expressions of support and endorsement that you have given me today. I hope it is because I have stayed true to the ideals of KBL that has been handed down from my father’s time. I hope to continue to achieve that ideal, to achieve that dream, to achieve that vision for our country,” phayag ni BBM sa video message.
Nangako naman si Marcos na ilalahad niya ang final decision sa kanyang kandidatura sa presidential elections bago maghain ng certificate of candidacy.
Isinasara na ni BBM ang pagsabak niya sa vice-presidential candidacy ngayong lumilinaw na raw ang lahat at lumalawak na suporta sa kanya ng mga Pilipino.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY