Naniniwala si Jaja Santiago na maghahatid ng good fight ang women’s national team sa AVC. Ayon sa Cherry Tiggo Crossovers star, magpapakita ng angas ang 2 Philippine teams. Ito ay ang Team Rebisco at Choco Mucho.
Kahit wala siya, kayang-kaya ng Pilipinas na makaalagwa sa torneo. Nakakompromiso kasi si Jaja sa Ageo Medics team. Na papalo sa 55th Japan V. League 2021-22 season.
Sasabak ang dalawang koponan sa 11th AVC Asian Women’s Club Volleyball Championship sa October.
“I think our national team will have their– talagang good system, like techniques, strategies. Kumbaga makikipagsabayan talaga tayo even though. ‘Yun nga galing tayo sa pandemic,” ani Jaja sa Volleyball DNA vlog nina Denden Lazaro-Revilla at Anton Roxas.
“I think they will have a good fight with other international teams,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo