November 24, 2024

2 TEENAGER PATAY SA SAKSAK NG LOVER NI INAY

Binawian ng buhay ang dalawang teenager matapos saksakin ng kinakasama ng ina dahil sa problema sa pera sa Palo, Leyte, ngayong Martes.

Ayon sa pulisya, ang mga biktima ay nasa edad 15 at 16.

Pinagsasaksak umano ng 33-anyos na suspek ang mga anak ng kanyang kinakasama noong Sabado ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Barayong sa naturang lugar.

Kasalukuyan namang ginagamot ang ina ng mga biktima at ang 9 na buwang gulang na sanggol.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nagkaroon ng pagtatalo ang ina at kinakasama nito dahil  sa problema sa pera noong nakaraang Sabado ng gabi.

Sa kalagitnaan ng pag-aaway, napagbalingan ng galit ng suspek ang dalawang biktima kaya’t sinaksak niya ang mga ito hanggang sa mapatay.

Matapos ang krimen, agad na tumakas ang suspek na ngayon ay tinutugis na ng mga awtoridad.