November 3, 2024

KASO NG COVID-19 SA NAVOTAS BUMABA NA

Inanunsyo ng Pamahalaang Lokal ng Navotas na bumaba na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, magmula sa pang-apat na ADAR, pang 10 na lamang ang lungsod sa pinakamataas.

Bumaba sa 36.95% noong nakaraang Setyemre 2–8 ang ADAR sa lungsod kumpara sa 48.04% noong nakaraang Agosto 26–Setyembre 1.

Pagdating naman sa reproduction number o bilang ng nahahawa bawat index case, Navotas po muli ang may pinakamababa sa buong Metro Manila. 

Nasa 1.04 na lamang po ito, at mula sa critical ay nasa moderate-risk level na lang ang transmisyon ng COVID-19 sa lungsod. 

Ayon sa Octa Research, ang malapit na pag-abot ng lungsod sa reproduction number na mababa kaysa sa 1 ay nangangahulugan na bumabagal na ang hawaan ng virus.”

Ngunit, napakabilis mabago nito kaya kailangang patuloy na magtulungan ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan para masigurong dire-diretso ang pagbagal at pagbaba ng mga kaso, at hindi masayang ang mga paghihirap at pagsasakripisyo ng lahat”, ani Mayor Tiangco.

Hanggang September 10, 2021, umabot na sa 15,935 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas, 13,649 ang gumaling, 1,812 ang active cases at 474 ang namatay. (JUVY LUCERO)