November 24, 2024

JOLINA DE LA CRUZ NG DLSU, BINATI NG VOLLEYBALL COMMUNITY SA KANYANG BIRTHDAY

Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Jolina De La Cruz ng DLSU Lady Spikers. Siyempre, binati siya ng volleyball community sa social media.

Nagdiwang ng kanyang 22nd birthday si Jolina De La Cruz ng DLSU Lady Spikers. Siyempre, binati siya ng volleyball community sa social media. Si Jolina ay isa ngayon sa hinahangaan sa paglalaro ng volleyball.


Kahit na mukhang boyish ang gupit nito, malakas ang dating. Cute. Kaya, siya ang sinasabing next Ara Galang bilang weapon ng Lady Spikers sa UAAP.


Almost 2 years nang di nakikita sa UAAP court ang mga players dahil sa pandemya. Pero, lumilinaw na uli na maibalik ang liga. Kaya, wish ni Jolina na makalaro na silang muli.
Noong nahinto ang liga, naging busy ni Jolina sa kanyang online bakery na “Jolicious”. Ito ay ginagawa ni Jolina sa kanilang bahay sa Bulacan.


Kahit malayo pa ang kanyang ika-26 birthday, advance na binati na si Grethcel Soltones ng Petro Gazz Angels.


Inulan ng pagbati sa social media si Grethcel lalo na ng volleyball fans. Kaya ako ay puzzled din. Sa pagkakalaam ko, September 9 pa ang birthday ni Gretchel.


Si Gretchel ay naglaro noon sa NCAA sa San Sebastian Lady Stags. Kung saan naging MVP siya noong Season 90 hanggang 92. Matapos nito, nakapaglaro siya sa 8 na teams sa PSL hanggang sa Petro Gazz.