NAMAHAGI ang Philippine Red Cross ng pinansiyal na tulong sa mahigit 200 pamilya sa Tondo, Maynila, ayon sa chairman at CEO nito na si Senador Richard Gordon.
Pinangunahan ni Gordon ang pamamahagi ng P3,500 cash grant sa para sa mga benepisyaryo mula Barangay 91 at 234. Sinabi rin niya na ang Maynila ay pangatlo sa 18 siyudad sa bansa ang nakatanggap ng nasabing suporta mula sa humanitarian organization – ang Mandaluyong at San Juan ang naunang dalawa.
Sa kabuuang P70 milyon na badyet ng multi-purpose cash assistance ng Red Cross, P4.5 milyon ang inilaan para sa 1,300 pamilya sa Maynila, saad niya.
“Ito ay kaunting tulong mula sa Red Cross upang ang ating mga kababayan ay matulungan nating makabangong muli at magkaroon ng pagkakakitaan habang hindi pa natin nalalampasan ang pandemyang kinahaharap natin ngayon,” dagdag pa niya.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund