November 24, 2024

PH OLYMPIAN MEMORIAL ACT, ISINUSULONG NI VALENZUELA REP. MARTINEZ

Isinusulong ni Deputy House Speaker Rep. Eric Martinez ang isang House Bill. Ito ay upang bigyan ng recognition ang mga atletang Pinoy o olympians.

Ito ay ang Philippine Olympian Memorial Act. Tiwala naman ang kinatawan ng 2nd District ng Valenzuela na susuportahan ito ng mga kasamahan niya sa Kamara. Katunayan, naisumite na niya ito.

 “Malaki ang chance natin in the nearest time it will draw support,” sabi ng Congressman sa online session ng PSA Forum.

Saklaw ng bill ang pagbibigay parangal sa 14 Pinoy athletes na nakasungkit ng medals sa olimpiyada. Pero, hindi lamang humahangga rito. Kundi. Pati na rin ang mga atletang nakapagbigay ng karangalan sa bansa.

Kasama rin sa plano ang pagtatayo ng Olympic Museum sa New Clark City sa Capas, Tarlac. Gayundin ang pagsama sa sports tourism at sports curriculum.

 “We will immortalize and memorialize all those Olympians since 1924 of David Nepomceno’s time up to this batch of the Tokyo Olympics. It’s around 300 or 400,” ani Martinez.

 “We should never forget Lydia De Vega, a two-time Olympian. We should never forget Caloy Loyzaga, how about Mona Sulayman and those other not so popular names but contributed in bringing ho­nor and glory to this country,” aniya.