November 24, 2024

NCRPO PINAIGTING KAMPANYA VS ILLEGAL GAMBLING; 21 ARESTADO

Arestado ng National Capital Region Police Office ang 21 katao sa pinaigting na operasyon kontra illegal na sugal.

Ayon kay NCRPO chief Maj. Gen. Vicente Danao Jr, walong indibidwal ang nadakip sa illegal gambling sa Novaliches, Quezon City noong Agosto 17.

Kinilala ang mga ito bilang sina   Raul Barandino, Rolando Monera, John Ryan Marinas, Jesibol Obispo, Fermin Dagnio, Mario Arizobal, Javier Cinita at Balery Peronio.

Noong Sabado ng gabi, nahuli rin ng pulisya ang 13 illegal gambling suspects sa Barangay San Antonio sa Parañaque City.

Ang mga supek ay kapwa tumataya sa isang small town lottery bilang prente ng loteng.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya sina  Jose Pelaez, Adela Crisostomo, Nerlio Cacho, Helen Donor, Dioscoro Honorio Jr., Victor Aquino, Reyman Encarnacion, Elmer Cortez, Christopher Labrador, Christian Suarez, Ruben Foo, Nelson Simbulan at Eboy Hemor.

Nakumpiska sa mga suspek ang higit sa P17,000 na taya, 11 calculator, 3 columnar books, limang pads ng collection summary at ilang STL paraphernalia.

“All the suspects arrested were subjected to inquest proceedings for Violation of Presidential Decree 1602 or Illegal Gambling,” saad ni Danao.