SIYAM na Taytayeños na mag-aaral ang pinagkalooban ng full scholarship grant mula sa lokal na pamahalaan ng Taytay, Rizal sa pamumuno ni Mayor Joric Gacula.
Ang mga mag-aaral na ito ay pormal na nakilala ng naturang alkalde na kinabibilangan nina Axel Abarabar, Gianmae Alyana Pelayo Cruz, Lory Jane A. Pascua, Arianna Joy Buenaventura, Rosemarie D. Eligino, Rayjan Fajilagutan Raytana, Kimberly M. de Leon, John Christian G. Cruz at Anne Pauline S. Salcedo.
Nakatakdang magbukas ang online class sa Setyembre kung saan ang mga scholar na ito ay makakapag-aral sa ICCT Colleges.
Ikinagagalak naman ni Mayor Gacula na mabigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na ipagpatuloy ang kanilang nang libre.
More Stories
QUIBOLOY NAILIPAT NA SA PASIG CITY JAIL
5 drug suspects, kulong sa higit P400K droga sa Valenzuela
VP SARA, OVP SECURITY CHIEF KINASUHAN