November 24, 2024

Laguerta sa Brgy. Tunasan isinailalim sa granular lockdown dahil sa 3 nagpositibo sa COVID-19

Mahigpit na binabantayan ng Muntinlupa Police Station ang Chico Street at Laguerta sa Barangay Tunasan Muntinlupa City Makaraang isailalim kagabi sa Granular Lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.

Napagpasyaan ng Muntinlupa City Government sa kanilang isinagawang biglaang pagpupulong ang tinatawag na  Localized Lockdown ang nasabing kalye matapos magpositibo sa virus ang tatlong residente dito.

Kaagad din nagsagawa ng swab testing ang city health office ng lungsod sa nasabing lugar upang matukoy at mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon sa Muntinlupa LGU epektibo alas sais kagabi ang 15 araw ng Granular Lockdown sa Chico Street.at Laguerta sa Barangay Tunasan kung saan magtatagal ito hanggang sa August 25, 2021.

Pinawi naman ng Muntinlupa LGU ang pangamba ng mga residente na apektado ng Granular Lockdown dahil bibigyan naman sila ng relief food packs at basic goods ng lungsod habang umiiral ang 15 araw na lockdown.