November 5, 2024

PE TRIPOLI NAKIPAGKITA SA PH LABOR OFFICIALS PARA SA MGA PINOY SA LIBYA

MAYNILA – Nag-courtesy call si Chargé d’Affaires, en pied and Consul General Juan E. Dayang, Jr. kay Secretary of Labor and Employment Silvestre H. Bello III ngayong umaga  sa Office of the Secretary ng DOLE sa Intramuros sa nabanggit na siyudad.

Sa naturang pagpupulong, tinalakay ni Consul General Dayan ang kasalukuyang  sitwasyon ng mga manggagawang Pinoy sa Libya at ang pananaw sa tumataas na political stability sa bansa at kapag bumaba ang alert levels o maalis, ay posibleng magbalik ang mga bagong manggagawa at recallees sa pamamagitan ng “selective deployment.”

Hiniling din niya kay Secretary Bello ang posibleng deployment ng isang welfare attaché (isang OWWA representative) na magbibigay ng karagdagang suporta sa mga Filipino sa Libya.

Inihayag din ni Consul General Dayang na tinitiyak ng Embahada ang mataas na proteksyon para sa mga Filipino sa Libya gayundin sa Alegeria, Chad, Niger at Tunisia, na sakop ng hurisdiksyon nito.

Dumalo rin sina Administrators  Bernardo P. Olalia and Hans Leo J. Cacdac ng Philippine Overseas Employment Administration at ng Overseas Welfare Workers Administration, at Director Alice Q. Visperas of DOLE-International Labor Affairs Bureau.