Umabot na sa 745 pamilya mula sa 11 barangay sa Quezon City ang inilikas dahil sa pagbaha bunsod ng mga pag-ulang dala ng hanging habagat.
Ayon sa Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), ang mga inilikas ay mula sa mga low-lying barangay gaya ng Apolonio Samson, Bagong Silangan, Tatalon, Doña Imelda, Roxas, Batasan Hills, Masambong, Sta. Monica, Kristong Hari, Damayang Lagi, at Holy Spirit.
Tiniyak naman ni QC-DRRMO Head Karl Michael Marasigan na maibibigay ang pangangailangan ng mga evacuees, katuwang ang City Social Services Development Department.
Habang siniguro rin ng QC Health Department na nasusunod nang tama ang health and safety protocols sa mga evacuation area sa gitna ng pandemya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM