Sumagwan na si PH rower Cris Nievarez sa men’s singles sculls sa Tokyo Olympics. Mapalad na nakapasok sa quarterfinals si Nievarez sa kanyang olympic regatta debut.
Nagtapos siya sa third-place finish sa torneong idinaos sa Sea Forest Waterway.
Nagtala ang Quezon province native ng 7:22:97 mark. Kung saan bumuntot siya kay reigning silver medalist Damir Martin ng Croatia (7:09:17). At kay Alexander Vyazovkin ng ROC na nagtala ng 7:14:15.
“Mas nakapa ko ‘yung galaw ng tubig dito sa Sea Forest kaya maganda na nakapunta kami dito limang araw bago kami mag-start,” ani Cris Nievarez sa News5.
Nakatulong daw marahil sa kanya ang familiarity sa venue . Kung kaya, nakasabay siya sa karera kina Martin at Vyazovkin.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY