November 24, 2024

MMDA, DENR MAGKATUWANG NA LILINISIN ANG MANILA BAY

Pinangunahan ni Metro Manila Development Authority ( MMDA) Chairman Benhur Abalos ang groundbreaking ceremony ng pagpapatayo ng  sewage treatment plant at wastewater interceptor sa tabi ng Libertad Pumping Station sa Macapagal Boulevard sa lungsod ng Pasay.

Layunin ng pagpapatayo ng inprastraktura ang pagtugon sa mandamus na linisin, i-rehabilitate at i-preserve ang Manila Bay.

Bukod kay MMDA Chairman Abalos dumalo rin sa naturang okasyon sina DENR Secretary Roy Cimatu Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano at Congressman Tony Calixto.

Ayon kay MMDA chairman Benjur Abalos layon din nito na maitaas ang kalidad at malinis ang tubig ng Manila bay at maalis ang masangsang na amoy nito dulot ng naiipong basura mula sa mga ilog.

Ayon kay DENR Sec. Roy Cimatu umabot na sa 1million coliform level ng ilog papunta sa Manila Bay na naging sanhi ng masamang amoy.

Nakakatulong din umano ang paglalagay ng dulomite ng DENR sa baywalk upang mabawasan ang mabahong amoy at malinis ang tubig ng Manila bay.

Binanggit din ni Cimatu na nasa 80 million coliform level ang dumadaloy sa ilog pasig na nanggaling naman sa tripa de Galena sa Pasay City. Dahilan para itayo ang nasabing treatment plan kung saan kasama ito sa proyekto ng clean up drive mandamus ng MMDA at DENR at bahagi parin ito upang maprotektahan ang ating Inang Kalikasan.