
Kung tanging ang grupo ng mga guro ang magbibigay ng grado sa kasalukuyang administrasyon at sa pamunuan ng Department of Education (DepEd), bibigyan nila ito ng “F” mark o bagsak na grado.
Sinopla ng Alliance of Concerned Teachers Philippines (ACT) ang DepEd at administrasyong Duterte dahil sa usad-pagong nitong pagtugon sa demand ng mga guro para itaas ang benepisyo at sahod.
“Patapos na ang school year pero nasaan na ang mga pinangako ng DepEd?” tanong ni ACT Secretary General Raymond Basilio.
“The school year is about to end but our teachers have yet to receive proper compensation for their services,” dagdag ni Basilio.
“Kung mabibigyan lang ng final grade ng mga guro ang gobyerno, isang mapulang ‘F’ na marka ang ibibigay nila dito!” sambit pa ni Basilio.
More Stories
VP SARA DUDA SA TIMING NG P20/KILO NG BIGAS ROLLOUT: PANAHON NG ELEKSYON? MEDYO KAHINA-HINALA
PBBM bumuo ng 3-man panel para tiyakin ang tuloy-tuloy na pamahalaan habang nasa abroad
Huwag gamitin ang mukha ng katutubo para sa pansariling interes