November 24, 2024

JOEL EMBIID, HINDI TINANGGAP NG NASA NA MAGING ASTRONAUT

Isa si Phildelphia 76ers big man Joel Embiid sa mga matitikas na sentro ngayon sa NBA. Bukod sa pagiging basketbolista, alam nyo bang pinangarap niyang maging isang spaceman.

Ayon sa Public Affair Officer ng NASA na si Katherine Brown, nagsumite noon sa ahensiya ang kampo ni Embiid ng aplikasyon dahil gusto nga nitong maging astronaut noong hindi pa siya naglalaro ng basketball sa NBA. ‘O kahit naglalaro na siya ay gusto niyang masubukang maging astronaut.

Gayunman, ang kinakailangang may bachelor’s degree sa engineering, biological science, physics science, computer science o mathematics ang ilan kuwalipikasyon ng pagiging astronaut.

Gayundin ng 3 taong related pro- experience o kahit mayroong 1,000 oras na pilot-incommand time sa jet o aircraft.

Pati na rin ang training para sa astronaut at may distant at near visual acuity na sakto sa 20/20 kada isang mata. Nangangahulugan na sasailalim si Embiid sa 25 weeks at 8 oras na training kada araw.

Kung makapapasa si Embiid sa lahat ng requirements, ire-review ng NASA Selection Board ang kanyang aplikasyon.

Gayunman, may nakikitang problema ang kinauukulan sa NASA dahil may may height restriction ang ahensiya sa pagpili ng magiging astronaut.

Ayon kay Brown, may masamang epekto sa mga matatangkad na tao ang malantad sa space. Dahil nagkakaroon ito ng pagkawala ng minerals sa mga buto, lumiliit at rumurupok.