Nananatiling sikat si ‘Comedy Genius’ na si Michael V hanggang ngayon. Dahil ito sa pagiging loyal niya sa Kapuso Network.
Kaya hindi pumasok sa kanyang isipan na iwan ang GMA-7 na nagbigay sa kanya ng malaking tiwala at suporta sa kanyang Showbiz career.
“May kontrata po ako sa GMA-7, protocol po iyon ng tv network. Masaya naman ako dahil lahat naman nang kasunduan namin ay nasusunod. Kaya hanggang ngayon ay Kapuso pa rin ho ako,” ani Bitoy.
Hindi naman aniya siya makagagawa ng show ng walang kontrata. Mahalaga po sa kanila ang may kontratang sinusunod.
“Tutok pa rin ako sa Comedy Show naming ‘Bubble Gang,’. Na habang tumatagal ay talaga namang sinusuportahan nila ang show naming iyan.”
“Iyong forth coming prequel ng ‘Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento,’ abangan nila iyon dahil mapapanood nila iyon sa GMA-7,” salaysay pa ni Michael V.
More Stories
DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO
Buwisit na mga netizens sa galit-bati drama… SHARON AT KC, NOON PA NOT IN GOOD TERMS
Hiwalay na nga ba? PAOLO CONTIS, NO COMMENT ANG SAGOT SA PAG-UNFOLLOW SA KANYA NI YEN SANTOS