Kumusta na kayo mga Ka-Sampaguita. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan. Kamustahin natin ang ating teritoryo sa West Philippine Sea.
Ang Pilipinas dapat ang nakikinabang sa likas na yaman sa WPS. Pero, dahil sa napabayaan, ang China ang nakikinabang.
Para silang lobong maninila. Di po ba? Di ko nilalahat dahil may mga kaibigan din akong Chinese. Kundi, yaong mga salbahe lamang.
Sayang ang P9 trilyong halaga ng likas na yaman na kinulembat ng Tsina. Bukod dito, winawasak din nila ang ating mga bahura.
Ayon sa datus, nasa 8 bahura ang sinira nito mula 2014 hanggang 2020. Ang natural na anyo ng Mabini, McKennan at Kagitingan Reefs ay kinongkreto nila.
Ginawa nila ito bilang island garrisons. Ganito rin ang sinapit ng Zamora, Calderon, Burgos at Panganiban Reefs.
Ang tindi, ano po? Aabot sa mahigit P2 bilyon ang sinira ng mga dayuhan. Binakbak din nila ang Panatag Shoal. Makikita sa satellite na nasa 1,850 ektarya ng ating corals ang nasira. Resulta ng paglayas ng mga isda roon.
Nawala rin ang source ng biotechnology at mga bagong gamot. Nasa P18 milyon pala ang halagang ibinibigay ng corals kada taon sa bawat ektarya. Ito ay ayon research ng Elsevier sa Netherlands.
Hinarbest din ng China ang ating mga yamang-dagat. Mahigit sa P600 bilyon ang kinuha nitong isda mula taong 2014-2020.
In means, nasa 1.2 million tons ng isda ang ninanakaw sa atin kada taon. Ayon sa ulat ng Southeast Asia Fisheries Development Center, ang aabot sa P76,710 ang halaga ng bawat tons ng isda.
Dapat na pagbayaran ito ng China. Kung tutuusin, dapat magbayad sila ng upa at winasak nila sa atin.
Anong nangyari sa Pilipinas kong mahal? Dapat na bantayan ng kinauukulan ang ating teritoryo. Dapat na magkaroon tayo ng pangil sa kanila sa tamang paraan. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!