November 23, 2024

WNBA, ITATAMPOK ANG TEAM USA VS TEAM WNBA SA ALL-STAR GAME

Inanunsiyo ng WNBA ang detalye ng 2021 All-Star Game ng liga na idaroas sa Las Vegas sa July 14. Kung saan, tampok ang Team USA at Team WNBA format.

Sa first 14 editions ng nasabing event, ginamit ng liga ang typical na East vs West format. Ginamit din ang player captain’s model na ginamit sa 2018 at 2019 format.

Ngunit, hindi natuloy ang 2020 all-star dahil sa pandemic. kaya, muli nilang ikinasa ang mas maigi pa para sa all-star.

Ang team USA ay katatampukan ng mga manlalaro na pinili para sumabak sa Tolyo Olympics. Pero, wala pang detalye kung sino ang mga players nito.

Una, magmumula sa fans, players at media ang bubuo sa Team USA mula sa All-star voting. Ang top 36 vote-getters na hindi masasali sa Team USA ay sasalain para sa bagong team.

Kung saan, ikamamada ng WNBA coaches ang final call sa 12 players na bubuo sa Team WNBA.