January 23, 2025

MAYOR SARAH DUTERTE, TATAKBO O HINDI SA PAGKA-PANGULO AT BISE PRESIDENTE?

Magandang araw sa inyo mga Cabalen. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan. Nakagugulat na malayo pa ang 2022 elections, pumoporma na ang mga politiko.

Nagpapapaplano na sila sa kanilang pagtakbo. Kagaya na lamang ng pahayag ng kampo na kaalyado ng administrasyon.

Maugong na tatakbong Pangulo si Davao City Mayor Sarah Duterte. At ang kanyang running mate bilag Bise Presidente ay si Pangulong Duterte.

May balak ding tumakso si Senate President Tito Sotto. At ang Bise naman nito ay si Senator Ping Lacson.

Balik tayo kay Inday Sarah, medyo puzzled lang ang sitwasyon tungkol sa kanya. May sitsit kasi na magiging Bise siya ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Kung tatakbo naman siyang Presidente, isa rin si Gibo Teodoro sa napipisil na running mate. Mukhang pinalalabo ng kampo nila ang sitwasyon. Taktika ito upang maguluhan ang kalaban.

‘King’s Gambit’ ang strategy na ito. Kapag napain ka, yari ka. Ayon naman sa partido nina Mayor Sarah at Pres. Digong na PDP-Laban, ang partido lang ang nagtutulak na tumakbo ang mag-ama.

Pero, sinabi ni Mayor Sarah na malabong magtandem sila ng kanyang ama. Malabo rin na tumakbo siya bilang Pangulo.

Kung gayun, sino ang nagpapakalat na tatakbo siya? Bakit pinapatulan ito ng kaalyado nila sa Palasyo at ng oposisyon na 1Sambayan?

Sino naman kaya ang pambato ng oposisyon? Kung hindi tatakbo si Mayor Sarah sa dalawang posisyon, tatakbo ba siya bilang senador?

Exciting di po ba? Mawawala na rin kaya ang pandemya kapag kampanyahan na? Yan ang aabangan natin mga Cabalen.