November 23, 2024

DESISYON NG JAPAN NA ITAPON ANG NUCLEAR WASTEWATER SA KATUBIGAN DAPAT BIGYAN NG ATENSIYON (World Environment Day: Real Threats Quietly Brewing)

NANANATILING matatag ang paninindigan ng gobyerno ng Pilipinas para protektahan ang karagatan at iba’t ibang anyo ng tubig sa buong mundo kasabay ng taunang pagdiriwang ng World Environment Day ngayong buwan ng iba’t ibang bansa.

Nakaangla ngayong taon ang temang, “Ecosystem Restoration,” na ipinagdiriwang taon-taon simula 1972.

Sa gitna ng pinagsama-samang pagsisikap mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo upang mapunan ang naturang panunumbalik at pangangalaga sa kapaligiran, inihayag ng Japan noong Abril 13, 2021 ang unilateral decision nito na pakawalan ang higit sa isang milyong tonelada ng treated nuclear wastewater mula sa Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa karagatan na sisimulan sa 2023. Inaasahang tatagal ng ilang dekada ang proseso habang 170 karagdagang toneladang wastewater ang nabubuo sa planta kada araw.

Ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asian ang nagpahayag ng matinding pag-aalala kaugnay sa desisyon ng Japan. Hinimok ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na isa ring international law expert, ang Japan na pakatandaan ang international environmental law na nauugnay sa kanilang desisyon. “First principle is that we are one eco-system, second principle is we are interconnected, and the third principle is that the polluter must pay.”

Sumasalalim ang desisyon ng Japan na magtapon ng nuclear wastewater direkta sa Pacific Ocean ng kabaligtaran ng mga pang-internasyunal na layunin sa kapaligiran sa taon na ito. Hindi lamang nakakabingi kundi nakababahala rin ang pananahimik ng environmental  groups.

Dinesisyunan ang naturang hakbang ng Japan ng hindi kumokonsulta sa mga bansa na matatagpuan sa immediate area. Walang pagkakataon para sa mga apektadong bansa na talakayin ang plano sa Japan at timbangin ang negatibong epekto ng kontaminadong tubig sa mga karatig bansa, kanilang mga mamamayan, at kalikasan.

Inihayag ni Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na ang lubos na kontrobersiyal na hakbang ay “hindi maiiwasan upang makamit ang recovery ng Fukushima. Kinondena rin ng mga karatig na bansa tulad ng South Korea, China, at Rusia ang naturang desisyon at at nagpahayag ng sersyosong pag-aalala kaugnay sa implikasyon nito sa buhay ng tao at karagatan.

Ayon naman sa Chinese foreign ministry, napaka-iresponsable ng naturang hakbang at labis na makaaapekto sa kalusugan ng tao at sa pangunahing interes ng mga tao sa karatig na bansa.

Ganito rin ang naging sintiyemento ng South Korea, kung saan tinawag nito na “outright unacceptable” ang naturang hakbang at banta sa kalapit na mga bansa at marine environments. Nabanggit din ng naturang bansa ang Lw of the Sea convention ng UN, kung saan nakasaad na ang mga bansa na dapat na iwasang na magdulot ng pinsala sa kapaligiran sa mga kalapit na bansa at obligadong magbigay ng detalya kung papaano mababawasan ang negatibong epekto na kanilang gagawin.

Hiniling naman ng foreign ministry spokesperson ng Russia na si Maria Zakharova sa Japan na dapat itong magpakita ng angkop na transparency at magbigay ng detalyadong paliwanag sa lahat ng aspeto. Dagdag pa nito na sa ngayon ay hindi sapat ang ibinigay na paliwanag ng  Japan.

Iba naman ang naging pahayag ng United States tungkol sa isyung ito kung saan pinuri pa nito ang Japan dahil sa “transparent effort nito sa pagpapasyang itapon ang treated water mula sa Fukushima Daiichi site,” ayon sa tweet ni US Secretary Antony Blinken.

Mahalagang tandaan na pinalawig ng US FDA ang ilang dekadang pagbabawal nito sa pag-e-export ng pagkain mula sa  Fukushima. Sa kabilang banda, biglang binawi ni Philippine Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin ang pag-angkat sa lahat ng Japanese food mula sa Fukushima noong Enero 2020  na hindi umano na-ireport matapos ang pagbisita ng foreign minister ng Japan na hindi umano naireport.

Ayon sa mga eksperto, na maaring magdulot ng masamang epekto ang kontaminadong marine life sa Fukushima area at dahil dito ay malaki ang posibilidad na magkaroon ito ng epekto sa kalusugan ng mga kakain ng produkto na mangagaling doon. Ang pahayag ng US kaugnay sa nuclear wastewater decision at ang kanilang patuloy na pagbabawal sa mga produkto ng Fukushima ay nagpapakita ng pagiging double standard ng bansa.

Ipinagwalang-bahala rin ng US ang alalahanin ng South Korea kaugnay sa desisyon ng Japan. Humingi ng suporta si South Korean Foreign Minister Chung Eui-yong sa United States sa naganap na dinner meeting kasama si U.S climate envoy John Kerry noong nakaraang Abril.

Pero ibinasura lang ni Kerry ang reklamo. “The International Atomic Energy Agency (IAEA) has set up a very rigorous process and I know that Japan has weighed all the options and the effects and they’ve been very transparent about the decision and the process.”

Ipinahihiwatig din sa isinagawang pananaliksik ng German institute Helmholtz Center for Ocean Research (GEOMAR) noong 2012 na ang nuclear wastewater mula sa Japan ay maaring kumalat sa buong Pacific Ocean sa loob ng 57 araw, ang baybayin ng US at Canada sa loob ng tatlong taon, at sampung taon sa iba pang nalalabi sa mundo.

Nanggaling ang wastewater sa Daiichi Nuclear Power Plant, na nawasak matapos ang malakas na lindol at tsunami na tumama sa Fukushima region noong Marso 2011. Nagdulot ang insidente ng tatlong core meltdowns sa planta at kinilala bilang worst nuclear disaster sa kasaysayan matapos ang Chernobyl.

Sinala ang tubig para maalis ang karamihan sa radioactive contaminants maliban sa radioactive byproduct tritium. Iginiit ng Japan na ang tritium, na sandaling pakawalan sa karagatan, ay mailalagay sa ligtas na antas para sa inuming tubig.

Binatikos naman ng maraming organisasyon ang naturang paraan ng Japan.

“Rather than using the best available technology to minimize radiation hazards by storing and processing the water over the long term, they have opted for the cheapest option, dumping the water into the Pacific Ocean,” ayon kay Kazue Suzuki, isang campaigner sa Greenpeace Japan.

Tinutulan din ng Japanese fishermen at mga lokal ang naturang hakbang. Hindi maiwasan ng ilang lokal na mga mangingisda na mag-alala sa maaring maging epekto sa imahe ng pagkain na makukuha mula sa Fukusuma waters matapos payagan kamakailan lang na ituloy ang negosyo matapos ang isang dekada.

Inilathala ng Japanese newspaper na Asahi Shimbun, ang resulta ng survey na isinagawa noong Enero 2021 kung saan lumalabas na 55% ng respondents ang  labag sa plano habang 32% ang sumuporta rito.

Gumamit din ang Japanese government ng isang mascot, na kinilala bilang Tritium-kun o Little Mr. Tritum, sa isang serye ng promotional videos at leaflets na layon na pagandahin ang imahe ng nuclear wastewater plan.

Gayunpaman, mabilis na inalis ang mascot matapos makatanggap ng hindi magandang reaksyon mula sa mga netizen at locals ang naturang hakbang, na nagsaad na ang cute na design ng cartoon ay minamaliit ang gravity ng isyu.