Malapit nang mapuksa ng Pilipinas ang coronavirus disease (COVID-19) sa pagdating ng bulto ng mga bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Pangulong Duterte sa isang mensahe sa pagsisimula ng symbolic vaccination sa mga manggagawa.
“I am pleased to join you today as we mark a major milestone in our battle against Covid-19. We can now see the light at the end of the tunnel as the vaccine shipments have arrived, have started to arrive in bulks,” ani Duterte.
“To my dear kababayans, let us keep in mind that vaccination is the only way forward for us to overcome this pandemic,” saad niya,
Sa isang “symbolic” vaccination program, pinangunahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang pagbabakuna sa mga essential worker kabilang ang crew member ng fast food, delivery riders, isang journalist at isang sales clerk – simbolo ng pagsisimula ng mas malaking COVID-19 vaccination program.
Binubuo ng higit sa 35 milyon katao ang economic frontliners, pang-apat sa vaccine priority ng Pilipinas.
Una nang nabakunahan ang mga health worker, senior citizen at persons with commorbidities.
Prayoridad na mabakunahan sa ngayon ay ang mga indibidwal na itinuturing na economic frontliner na nasa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu at Davao.
Isinagawa ang naturang programa matapos matanggap ng bansa ang pagdating ng unang bulto ng bakuna – 1 milyong Sinovac jabs. Para sa buwan ng Hunyo, sinabi ni COVID-19 vaccine czar Sec. Carlito Galvez na inaasahan na may darating pa nasa 10 milyong bakuna sa Pilipinas.
Layon ng bansa na makamit ang “population protection” sa Nobyembre ngayong taon na target mabakunahan ang hindi bababa sa 50 milyon katao.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY