Nagsimula na nang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, sa pakikipagtulungan sa Philippine Statistics Authority (PSA) sa pagpapatala ng biometric ng Navoteños sa Philippine Identification System (PhilSys).
“The national ID will give them not just proof of their identity, but will make it easier for Navoteños to avail of all social services and government benefits applicable to them,” ani Mayor Toby Tiangco.
Ilang mga residente ng Brgys. Bagumbayan South, Bangkulasi, North Bay Boulevard North (NBBN), San Roque, Sipac-Almacen, Tanza 2, Tangos North at South ang nakakumpleto nan g unang step sa national ID registration.
Nauna rito, nagsagawa ang mga tauhan ng PSA ng house-to-house interviews sa naturang mga barangays para sa demographic data collection. Gayunman nahinto ito kasunod ng muling pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila.
Ang mga residente na nakumpleto ang Step 1 ay sumasailalim na sa biometric enrollment.
Samantala, ang mga Navoteños na hindi na-interview ng PSA ay hinihikayat na magparehistro sa PhilSys online portal, sa sandaling ito ay magagamit para sa mga residente ng lungsod.
Sa Step 2, ang supporting documents ng nagparehistro ay ipapakita ang kanyang demographics ay mai-encode, ang kanyang biometric ay makukuha at maitatala, at siya ay bibigyan ng isang transaction slip.
Magkakasabay na isinagawa ang registrations sa apat na venues sa lungsod kabilang ang Navotas City Hall mula May 31 – June 3; Brgy. NBBN Covered Court, June 1–August 10; Navotas City Library, June 3–December 30; at Brgy. Tanza 2 Multi-Purpose Hall, June 5–October 30.
Para masiguro na masunod ang maayos na physical distancing at iba pang safety protocols, ay limitado lang ang bilang na tanggapin ng magparehistro kada araw.
Kapag available na ang National ID, ipapadala ito sa address ng nagparehistro. Dapat niyang ipakita ang kanyang transaksyon slip at anumang patunay ng pagkakakilanlan upang makuha ang ID. Kung wala siya para tanggapin ang ID, maaari siyang magpahintulot sa isang kinatawan. Kailangan lang ipakita ang transaksyon slip, authorization letter at valid ID ng registrant. (JUVY LUCERO)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY