PATAY ang dalawang hinihinalang miyembro ng Robbery-Kidnapping matapos makipaghabulan at makipagbarilan sa mga pulis sa Calamba City, Laguna kaninang hapon.
Ayon kay Brig. Gen. Eliseo DC. Cruz, sangkot umano ang dalawang nasawing suspek sa kidnapping activities sa Chinese national na POGO employees.
Agad binawian ng buhay ang dalawa sa pinangyarihan ng engkwentro.
Ayon kay Cruz, nakatanggap ng report ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division- Anti-Carnapping Unit (RID-ANCAR) ng PNP Calabarzon na isang Chinese national ang dinukot ng notoryus na robbery-kidnapping group sa Asiana, Parañaque City, gamit ang puting Toyota Hi-Ace (WQT-786).
Dahil dito agad nagsagawa ng patrol ang RID-ANCAR sa may Southern part ng NCR kung saan naispatan ang nasabing Toyota hi-ace patungong SLEX.
Nang makarating sa Cabuyao exit, natunugan ng mga suspek ang presensiya ng RID-ANCAR kaya nagpaputok ang mga suspek habang hinahabol sila ng mga operatiba.
Narekober ang bulto bultong pera, ID at tsapa ng isang pulis, dalawang caliber .45 pistol sa van ng mga napatay na suspek na mga miyembro ng kilabot na robbery kidnap for ransom group.
Nagdulot din ng mabigat na daloy ng trapiko mula sa Sta Rosa, Laguna hanggang Silangan exit southbound.
Tadtad ng bala ng baril ang puting van kung saan sakay ang mga suspek.
Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa malinaw kung na-rescue ang dinukot na Chinese. (Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY