Tagkawayan, Quezon – Dead on arrival sa Maria L. Eleazar General Hospital ang rider ng isang Honda XRM motorcycle na walang plaka at ang kanyang angkas matapos na aksidente silang banggain ng kasalubong na isang Isuzu Elf Truck na may plakang NBP 1767 bandang 8:50 ng umaga nitong araw ng Linggo sa Brgy. Payapa ng nabanggit na bayan.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina 1. John Paul Anog, 18, at si 2. Noriel De Torres, 20, parehong residente ng Barangay Mansilay ng parehong bayan.
Habang kinilala naman ang suspek na driver ng truck na si Vergilio Autida, 43, residente ng Brgy. Vinas ng Calauag sa Quezon.
Base sa inisyal na imbestigasyon lulan ng sinasakyan na motorsiklo ang mga biktima sa kahabaaan ng barangay road ng parehong lugar ng sakupin umano ng kasalubong na truck ang daan ng mga biktima at nabangga ang motorsiklo sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon ang mga biktima bago bumagsak sa lupa.Nagawa pang isugod sa nasabing pagamotan ang mga biktima subalit idineklarang patay na bago pa makarating ng osipital.
Pansamantalang nakaditine sa Tagkawayan Municipal police station ang driver ng truck at nahaharap sa mga kasong Reckless Imprudence Resulting to Homecide and Damage to Private Property. (Koi Hipolito)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY