December 23, 2024

TENSYON SA JULIAN FELIPE REEF, SINASADYA?

Meron bang nagtatangkang magpaliyab ng tension sa South China Sea? Na ang pinakahuli ay ang mga pang-iintriga sa Julian Felipe Reef. Para lumikha ng hidwaan sa SCS at puwersahin ang Pilipinas?

Na tanggapin ang presensiya rito ng military ng United States na magiging disbenteha sa mga Pilipino; kahit wala pang naihahatid na bakuna ang mga Amerikano na hinihiling ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Sa kanyang artikulo sa South China Sea Strategic Situation Probing Institute (SCSPI), isang international research institute, pinuna ni Dr. Dan Steinbock na ang mga naratibo sa reef ay bahaging itinataguyod ng local media.

Na sa nagdaang panahon ay kunektado sa Western funding at interes na kinabibilangan ng Rappler, CNN Philippines, Philippine Star, GMA News, Philippine Daily Inquirer, ABS-CBN News, at Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ).

Noong araw, ang PCIJ at Rappler ay tumanggap ng mga pondo mula sa National Endowment for Democracy (NED), sa pamamagitan ng US Agency for International Development, na lumilitaw na nagpopondo rin sa mga grupong nagpoprotesta sa Hong Kong.

Isang pangunahing personalidad sa likod nito ang dating Foreign Affairs Secretary ni dating Pangulong Benigno Aquino III na si Albert del Rosario. Si Del Rosario na isang milyunaryong business executive ang nasa likod ng grupong ADR Institute.

Ilang mga kritiko sa Pilipinas ay iniuugnay si del Rosario sa mga regional conglomerates, concession rights, at mga alegasyon ng conflict of interests kaugnay ng SCS.

Pangunahing nagsalita sa isang Conference noong nakaraang taon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Liz Derr na CEO ng Simularity na pinagmulan ng satellite images ng Reef debacle.

Nagsalita rin doon si dating Justice Antonio Carpio na nagbuo ngayong ng opposition party Sambayan.
Ayon kay Steinbock, wala rin sa mga litrato sa report ng Philippine Coast Guard noong Marso 7 ang sinasabing mga Chinese na barko.

Pagkaraan ng dalawang araw, lumantad ang satellite photo ng reef na kuha ng US-high tech firm na Simularity at nagpapakita ng 200 fishing vessel.

Batay din sa esperto sa Pilipinas, ang Reef ay opisyal na tinawag na Julian Felipe noon lang 2008 habang ang China at Vietnam ay may sari-sariling pangalan dito bago pa man naganap ang World War II.

Vietnam also has 4 large installations and China has 2 installations since the 1980s. Bakit wala namang gulo noon bago pumasok ang mga interes militar ng US?