November 24, 2024

PNVF: ‘STAR PLAYERS, KAILANGAN PARA SA NATIONAL POOL’

Sinabi ni Philippine National Volleyball Federation president Tats Suzara ang stand ng bansa sa volleyball. Aniya, kailangan pa rin ang mga star players para sa pool sa SEA Games.
Para magka-medalaya ang bansa sa mga upcoming tournaments, kailangan aniya ng mga star players sa women's volleyball national team.

Sinabi ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Tats Suzara ang stand ng bansa sa volleyball. Aniya, kailangan pa rin ang mga star players para sa pool sa SEA Games.

Mga nasa 16 kasi sa halos mahigit na 40 players ang dumalo sa tryout sa Subic. Na rito’y bubuo sa women’s indoor team.

Ngunit, 31 players naman ang dumalo sa men’s indoor team tryouts. Habang 40 naman ang dumating para sa beach volleyball team.

Ayon pa kay Suzara, 9 na players ang ikakamada sa 20-woman national team. Na isasabak sa 31st SEA Games at 2021 AVC Seniors Women’s Championship.

Ito ay kinabibilangan ng student athletes kabilang si Eya Laure, Kamille Cal at Mhicaela Belen. Kasama rin sina Uvy Lacsina, Alyssa Solomon at Jennier Nierva.

Gayundin sina Faith Nisperos, Imee Hernandez at Bernadette Pepito. Tama lang aniya na isama sila dahil sa ginawang sakripisyo. Kasi, pumunta sila sa tryouts.

Ibig sabihin, interesado silang maging representative ng bansa sa mga sasalihang tournaments. Pero, hindi final ang nasa pool.

Ayon kay PNV National Team commission head Tony Boy Liao, pag-uusapan pa nila ang mas maiging hakbang.

Actually, right now as you know the tryouts just finished. According to the president, no tryouts, no national team,” ani Liao sa Radyo5’s Power & Play.

Dapat aniya, may veteran at star players sa line-up. Ngunit, nakalulungkot na hindi sila napasama sa tryouts.

Ito’y sina Alyssa Valdez, Myla Pablo, Kalei Mau, Ces Molina, Kat Tolentino at Rhea Dimaculangan. Kim Fajardo, Alohi Robins-Hardy, Jia Morado at Jasmine Nabor.

Dindin Santiago, MJ Philips, Kim Kianna Dy, at Risa Sato. Gayundin sina Bea De Leon, Maddie Madayag, Denden Lazaro, Kath Arado at Dawn Macandili.

Kung gusto makapagmedalya ng Pilipinas sa SEA Games. Kailangan kasama yung mga stars para lang talaga maging malakas yung national team natin,” aniya.