MAGPAPASIKLABAN ang mga pinaka -mahuhusay na manlalaro sa larangan ng ahedres sa bansa sa paghahandog ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) ng kauna-unahang PCAP All-Star Game sa pro-chess na susulong sa Mayo 2.
Ang naturang All-Star Game ay babanderahan ng 46 top players sa liga kung saan ay mahahati sa 23 ang kakatawan sa North at South divisions..
“As we all know, these are exciting times for PCAP and chess as a whole. We’re growing bigger and better,” pahayag ni PCAP Chairman Michael Angelo Chua sa “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) via Zoom kamakailan.
Ayon pa kay Chua, ang mga premyadong manlalaro sa pangunguna nina GMs Darwin Laylo ng Pasig Pirates at Mark Paragua ng Camarines Eagles ang mga magpapakitang-gilas sa isang araw na All-Star extravaganza.
“The best players are playing, so we’re already excited to watch the games,” dagdag ni Chua sa lingguhang public service program na iniisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB).
Sina Laylo at Paragua ang may pinakamaraming boto sa ginanap na 10-araw na botohan na nilahukan ng mga fans sa PCAP social media page.
Ayon sa anunsiyo ni Chua, ang unang pitong players ay ibinoto ng fans, habang ang ibang miyembro ng team ay ibinoto ng team owners at players.
Ang kumpletong talaan ng line-ups ay:
North-
Top-rated players — GM Darwin Laylo (Pasig Pirates), GM Roland Salvador (Pasig Pirates), GM Eugene Torre (Rizal Towers), GM Rogelio Barcenila, Jr. (Laguna Heroes), GM Julio Catalino Sadorra (Manila Indios Bravos), Oliver Barbosa (San Juan Predators), Austin Jacob Literatus (Laguna Heroes), IM Paulo Bersamina (Caloocan Load Manna Knights), IM Rolando Nolte (Rizal Towers) and IM Jan Emmanuel Garcia (Caloocan Load Manna Knights).
Female — Shercila Cua (Pasig Pirates), Jan Jodilyn Fronda (San Juan), Michael Concio (Quezon City Simba’s Tribe) and Karen Jean Enriquez (Laguna Heroes).
Senior — Rudy Ibanez (Pasig Pirates), Ricardo de Guzman (San Juan Predators), Cris Ramayrat (Manila Indios Bravos).
Homegrown — Cromwell Sabado (Pasig Pirates), Ferdinand Palermo (Pasig Pirates), John Paul Gomez (Laguna Heroes), Genghis Imperial (Manila Indios Bravos), Deniel Causo (Manila Indios Bravos) and Mari Joseph Turqueza (Manila Indios Bravos).
South –
Top-rated — Mark Paragua (Camarines Eagles), Rogelio Antonio, Jr. (Iloilo Kisela Knights), Ellan Asuela (Camarines Eagles), Nelson Mariano III (Negros Kingsmen), Merben Roque (Cordova Dagami Warriors), Chito Garma (Zamboanga Sultans), Erwin Retanal (Cebu Machers), Randy Segarra (Negros Kingsmen), Catherine Perena-Secopito (Palawan Queen’s Gambits) and Vince Alaan (Surigao Fianchetto Checkmates).
Female — Cherry Ann Mejia (Iloilo KIsela Knights), Bernadette Galas (Cordova Dagami Warriors), Rowelyn Joy Acedo (Negros Kingsmen).
Senior — Carlo Lorena (Camarines Eagles), Mario Mangubat (Cordova Dagami Warriors), Rico Mascarinas (Toledo City Trojans).
Homegown — Ronald Llavanes (Camarines Eagles), Virgen Gil Ruaya (Camarines Eagles), Joel Pimentel (Negros Kingsmen), Zulfikar Sali (Zamboang Sultans), Jason Badal (Negros Kingsmen), Ariel Potot (Cordova Dagami Warriors) and Mikee Charlene Suede (Palawan Queen’s Gambits).
Si Dr. Fred Paez ng Laguna ang tatayong coach ng North All Stars, habang si Joel Buenaventura ang titimon sa South All Stars.
“It will be a good battle,” ani Paragua.
Sinabi naman ni PCAP Commissioner Atty. Paul Elauria na ang maningning na kaganapan ay bersyon ng NBA at PBA ASGames na handog sa kanilang laksang tagahanga at ito ay bahagi ng matagalang programa ng PCAP na handog sa chess community sa Pilipinas.
Bilang isang chess enthusiast, ikinagagalak ng ating kaisport at ka-adbokasiyang si Ka Larry Andes (former varsity chess player ng Divine Word College -Legaspi City sa Bicol) ang pagkatatag ng prestihiyosong professional chess league na PCAP na malaking tulong sa mga potensiyal na woodpushers sa bansa. Hats off si Ka Larry sa tagumpay ng first conference at all the best aniya sa susunod na second conference -SGM Wesley So Cup matapos ang bonus na PCAP All- Star Game sa Mayo 2. Hats off siya kina PCAP prexy Chua at commissioner Atty. Elauria sa kanilang pagsisikap na i-level up ang chess sa bansa.
Kapag kinatigan ng tadhana aniya ay kasama na rin siya sa naturang adbokasiya pagsinag ng ningas ng pag-asa dulot ng lampara na magliliwanag pa sa kanyang adhikain para sa Larong Angkop sa Manlalarong Pinoy (LAMP) pati sa lahat ng larangan ng buhay. Iwagayway ang FLAG.. Sulong Bayan!
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY