Umabot na sa isang milyon ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ngayong Lunes.
Ayon sa Department of Health, mayroong 8,929 na bagong kaso ng COVID ang naiulat, dahilan para umabot sa kabuuang 1,006,428 ang tinamaan ng virus magmula nang magsimula ang pandemya noong nakaraang taon. Habang 74,623 dito ang aktibong kaso.
Nadagdagan naman ng 70 ang total deaths na ngayon ay nasa 16, 853.
Habang 11,333 naman ang bagong gumaling. Ang total recoveries ngayon ay nasa 914,952.
Papaano tayo umabot sa ganito?
Ayon sa health authorities, ang bagong virus variant at mabagal na pagdating ng bakuna ang nagtulak para mabilis na kumalat ang COVID-19 sa bansa.
Mabilis na kumalat ang infection dahil sa mga bagong virus variant tulad ng mga naunang na-detect sa United Kingdom, South Africa, Brazil at maging itong tinatawag na P3 sa Pilipinas.
At available lamang ang bakuna sa mga frontliner at mga senior citizen, habang ilang milyon pa ang dapat mabakunahan. Hirap na rin healthcare system na pigilan ang COVID-19 dito sa ating bansa na nag-udyok sa pamahalaan para muling ipatupad ang ECQ sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal na ngayon ay ibinababa na sa MECQ hanggang sa Abril 30.
‘Hindi negatibong repleksyon’
Hindi umano dapat tingnan na negatibong repleksyon sa ginagawa ng gobyerno ang isang milyong record ng Pilipinas sa mga nagkasakit na ng COVID-19 mula nang mag-umpisa ang pandemiya ayon kay Presidential spokesman Harry Roque.
“Itong paglobo ng numero hindi lang po Pilipinas yan,” wika ni Roque.
Sabi pa ni Roque, bumaba na sa pang-26 ang Pilipinas mula sa pang-20 sa world ranking ng may pinakamaraming kaso ng COVID-19. “Huwag lang po natin tingnan yung total figures. Tingnan natin yung figures ng gumagaling…at tsaka yung ating case fatality rate na mababa po sa world average…” dagdag pa niya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY