November 23, 2024

WESLEY SO, RUMESBAK SA CHESS CLASSIC TOUR

Nakabawi si GM Wesley So mula sa malamyang simula sa New In Chess Classic of the Meltwater Championships Chess Tour. Nagtala si So ng 3.5 points sa 6 to 10 rounds upang kunin ang Magic 8.

Ginapi ng 27-anyos na grandmaster si World Challenger Sergey Karjakin ng Russia. Gayundin si Indian Santosh ng Gurjrathi Vidit.

Pagkatapos ay tumabla naman siya kay Vietnamese Le Quang Liem. Sa kanyang perpormans sa loob ng 2 araw, napaigi ni So ang kanyang puwesto.

Mula sa 11th place ay sumalo siya sa 7th place kay Armenian-born Levon Aronian. Gayundin kay Norwegian Aryan Tari.