Sisimulan na ng tatlong Filipino fencers ang kanilang kampanya sa Tokyo Olympic spot. Sasalang sila sa Asia-Oceana Olympic Qualifying Tournament bukas sa Tashkent Uzbekistan.
Pangungunahan ni Samantha Catantan ang kampanya. Sasabak siya sa women’s foil event. Si Catantan ay gold medalist sa 2019 Under-23 Asian Championship.
Isa pang pambato ng bansa ay si CJ Concepcion na sasalang sa men’s sabre. Habang si Noelito Jose naman ay sa men’s epee.
“I shared with them (teammates) the experience I had in the OQT. I told them it’s tough, because it’s one participant/weapon per country, and you’ll be facing the top fencer from other countries,” saad ni Jose, bronze medalist sa 2019 Southeast Asian Games.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!