October 18, 2024

STANLEY PRINGLE, EXCITED NANG MAKALARO SA GINEBRA SI STANDHARDINGER

Excited na si Stanley Pringle na makalaro si Christian Standhardinger sa Barangay Ginebra.

Nalambat ng Gin Kings ang Fil-German cager sa North Port sa isang trade noong March.Kapalit nito si bigman Greg Slaughter. Kung kaya, napalakas pa ang line-up ng Ginebra.

“You guys know him, he’s a winner.

“He’s gonna play hard,” ani Pringle sa idinaos na Ginebra jersey and cap promo launch.

Malaking tulong aniya si Standhardinger upang manatiling maghari ang Ginebra sa liga. Isa pa, nakasama na niya ito sa ilang torneo maging sa ibang bansa.