November 23, 2024

PH NAGPADALA NG MAS MARAMING PATROL SA WPS


Nagpadala pa ng mas maraming barko ang Pilipinas sa West Philippine Sea upang matiyak na makakapangisda pa rin ang mga Pilipino sa lugar, sa kabila ng patuloy na presensiya ng mga higanteng barko ng China.



Ayon sa National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS)  , magpapadala ng apat na Philippine Coast Guard (PCG) vessels, isang PCG aircraft, anim na Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessels at usabg hindi pa mabatid na bilang na rubber boats mula sa para sa maritime patrols.

Magpapadala naman ang Philippine National Police – Maritime Group (PNP-MG) ng high-speed tactical watercraft at rubber boats para sa maritime law enforcement sa coastal areas.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay palalakasin ang pagpapatrolya sa WPS at paiigtingin ang operasyon laban sa illegal, unreported, unregulated fishing (IUUF).

Tinawag ito ni Armed Forces of the Philippines chief, Gen. Cirilito Sobejana na “sovereignty patrols.

As reported by our naval patrols, malalaki yung fishing boats ng China na nandyan ngayon at sophisticated yung kanilang equipment and we don’t want that to continue. Otherwise, masisira yung ating marine resources,” ayon kay Aguinaldo.

Yung massing of Chinese fishing vessels and the Chinese maritime militia ay yun yung subject na ating binabantayan, at tinitiyak natin kung di man natin sila mapaatras physically at this point in time because of also our limitation, tinityak natin na yung ating mga kapatid, mga kababayan na nangingisda dyan para sa kanilang pangkabuhayan ay tuluy-tuloy,”  saad pa niya.

Ang NTF-WPS ay nagtatag ng dalawang area forces para protektahan ang mga bahura ng Pilipinas: ito ay ang Area Task Force West (ATF-West) at Area Task Force North (ATF-North).

Ang ATF-West ay pangungunahan ng Western Mindanao Command (WestCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para bantayan ang siyam na isla sa Kalayaan, Palawan. Ang ATF-North ay pangungunahan ng Northern Luzon Command (NoLCom), sakop ang Bajo de Masinloc, mga isla sa Cagayan, Batanes, at ang Philippine Rise at ang Extended Continental Shelf nito.