Mamamaalam na sa University of the Philippines Fighting Maroons si Kobe Paras. Ito’y bunsod ng kanyang pasya na magsanay sa United States sa East West Private.
Kung kaya, hindi na makakalaro si Paras sa kanyang final year sa UP ayon sa mga sources.
Kaugnay dito, suportado naman ng Chooks-to-Go ang redemption campaign ni Kobe sa US.
“Let tomorrow be your second chance to prove that you are better than today and yesterday. Welcome to the family Kobe,” ayon sa post ng EWP.
Hindi ito ang unang beses na tumulak sa US si Kobe. Noong 2013, nagpasya siyang tapusin ang secondary school sa Cathedral High School.
Pinili niyang maglaro sa Middlebrooks Academy habang nag-aaral sa senior high sa Cathedral.
Kalaunan, nirecruit siya ng University of California, Los Angeles. Ngunit, lumipat agad sa Creighton University.
Lumipat siya Cal State Northridge pagkatapos ng 1 taon. Ngunit, piniling umalis muli matapos ang pagpapatalsik kay Reggie Theus.
Noong 2018, bumalik siya sa bansa at naglaro sa Gilas Cadets sa Chooks-to-Go Filoil Flying V Preseason Cup. Pagkatapos nito ay naglaro siya sa Fighting Maroons.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo