November 23, 2024

FIL-CANADIAN SHILOH CORRALES-NELSON, NABURA ANG PHILIPPINE RECORD SA DISCUSS THROW

Binasag ni Fil-Canadian Shiloh Corrales-Nelson ang eight-year-old Philippine record sa women’s hammer throw.Nasungkit nito ang gold medal sa Triton Invitational 2021 sa Triton Track and Field Stadium sa California.

Bilang kinatawan ng University of California (UC) Riverside, naibato ni Corrales sa 50.63 meters na layo ang hammer sa kanyang sixth throw.

Kung kaya, nabura nito ang 50.55m record ni Loralie Sermona  noong 2013 Asan Championship sa Pune, India. Na-improved din nito ang kanyang personal best na 50.50m.

Nalampasan ng younger sister ni national team mainstay Zion Corrales-Nelson ang record ng mga kalaban sa torneo. Kabilang na ang 50.57m ni UC San Diego sophomore Crystal Diei.

Gayundin ang 46.09m ni Felicia Crenshaw ng San Diego St. Na-settled ng 19-anyos na si Shiloh ang silver sa paghagis ng 13.03m.