Naniniwala si basketball legend Ramon Fernandez na tama ang ginawang desisyon ni Kai Sotto. Ito’y kaugnay sa pagtungo ng future basketball icon sa overseas upang magtraining.
Gayundin ang pagsusumikap na makapaglaro sa NBA. Kaya, sumalang ang 7-foot-3 cager sa mataas na level ng competition.
“Ang masasabi ko lang, for me, tama ‘yung ginawa niya na nagpunta siya sa States at doon siya magte-training and all that,” sabi ng PBA 4-time MVP.
Masaya rin ang binansagang ‘El Presidente’ sa pagsisikap na matuto at malinang ng bata ang laro nito. Kagaya rin ng kanyang ginawa noong active pa ang kanyang basketball career.
“Frankly, since nagretire ako nung 1994, medyo hind na ako nagfo-follow ng basketball in general. So, hindi ko alam masyado mga nakikita ‘yung mga atleta, except or a new championship games na sumilip ako.”
“But as I said tama ‘yung ginawa niya. He should look for the highest level of competition abroad, and he can only find that in the States or even in Europe especially now that he is growing in years, ‘no,” ani Fernandez sa PSA forum.
Nasa US ang 18-anyos na si Sotto noon pang 2019. Naging bahagi siya ng NBA G- League Ignite program bukod sa paglalaro sa collegiate basketball.
More Stories
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
Sen. JVE panauhin sa AFAD Arms Show ngayon sa SMX
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS