November 27, 2024

ILANG Q NA PALPAK PA DIN SA PAMIMIGAY NG AYUDA SINA KAP!

Hanggang saan nga ba kakayanin nating mga Filipino ang ECQ, MECQ, GCQ  at lahat ng klaseng Q?

Para sa mga negosyong dapang-dapa na? Mukhang napakahirap na para umalagwa. Gaya ng mga restaurants na hindi malaman kung ipapasok o ilalabas ang kanilang lamesa para kahit paano umandar ang negosyo.

Ang mga personal service, ang simbahan, ang mga essentials lamang ba talaga maliban sa lugaw ang pwedeng ilako?

Sa halos dalawang taong quarantine gawa ng Covid-19 pandemic, may nagbago ba?

Ang pamimigay ng ayuda ng ilang mayors at kapitan naging maayos ba? Lalong lumala ang problema di po ba?

Sa halip na naging maayos lalong nagkakagulo ang mga umaasang makakatanggap. 

Palpak at walang sistema yan ang laging problema. Ang mga kababayan nating litong-lito sa bawat anunsiyo at patakarang ipinapalabas ng gobyerno. Kasi pagdating sa ilang mayor at kupitan este kapitan naiiba ang polisiya. Wala kayong awa sa mamamayan!

Kung minsan naiisip tuloy ng isang ordinaryong mamamayang tulad ko, kung ito ba’y sinasadya o likas na walang sistema ang pamahalaan para sa kaayusan at kapakanan ng kanilang mga kababayan?

Bakit po kaya, hindi na lamang nila ipamigay ng ipamigay ang ayuda? Lahat naman po nangangailangan tulong. Lahat po halos ay walang hanapbuhay. Ipapamigay na lamang pinapahirapan pa ang mga mamamayan.

Ang mga listahan po ay walang silbi dahil kailangan pa ng validation. Ang pagdadaanan ng ating mga kababayan bago makuha ang ayuda sisimulan sa masterlist, ite-text pagtapos validation. Paano ang senior at may kapansanan? Paktay na!

Bakit nga kaya hindi na lang dalhin sa bahay-bahay ang mga ayuda para hindi mag-ipon ipon ang mga tao sa gym o barangay hall ni kapitan?

Bilib din tayo dito kay Mayor Kois, kahit na napakarami ng mga taga-Maynila, organisado ang pamimigay ng ayuda. Walang naiiwan, lahat nabibigyan, walang luhaan. Deklarado lahat ng lumalabas sa kaban.

Nakakapanlumo na mga Cabalen, ang hirap at kawalan ng pag-asa.

ooo

Marami rin po tayong mga kababayang nag-iiyakan at sobrang sakit ang nararamdaman, dahil nawalan na ng mahal sa buhay ay ideneklara pang COVID-19 ang dahilan ng pagkamatay kahit pa kabalintunaan.

Mga Cabalen, walang sagot ang gobyerno ukol dito hanggang ngayon. Si Duque walang pakialam. Sa halip ng asikasuhin paano magamit ang mga may COVID, nagsusukat ng distansiya ng tao sa mga tipunan.