November 24, 2024

FULL-PACKED HINDI PALPAK

KAGAT na kagat sa pain ang mga salot na oposisyon nang mawala sa eksena sumandali ang pangulo ng bansa na lagi nilang tinitira.

Hanap sila nang hanap kung nasaan siya dahil ‘di ito  nakaharap sa publiko sa nakatakdang weekly Address to the Nation  kaugnay ng pandemya at iba pang mahahalagang isyu para sa interes ng bansa.

Seguridad para sa kalusugan ang pinakadahilan ng pagliban pero iba ang ipinalilitaw ng mga kruk na kritiko partikular ang ikinalat nilang inatake umano ang Pangulo sa puso kaya wala na siya. Ito ang dasal nila sa diyablo  para ang kampon nila ang papalit sa trono ng kapangyarihan sa Malacañang.

Hanggang tenga ang ngisi ng  naglalaway na peykbipi dahil akala nya ay magrereyna na siya na isang suntok sa buwan.

Kaya ayaw nilang maniwala sa mga lumabas na  mga larawan ni PDu30 na nasa Palasyo habang subsob sa trabaho sa tambak na mga papeles sa kanyang mesa.

Purnada na naman sila dahil mas malakas pa sa kanila ang dinadasal nila kasama ang parimonyong papilyo na  nanalanging madedbol na  siya para sila na ang papalit upang muling mangulimbat ng kaban ni Juan.

Ang siste, silang lahat na atat na maglaho si PDigong ay isinusuka ng madla patunay ito ng muli nilang (lahat ng salot) pagsadsad sa survey  at patuloy na namamayagpag  ang trust rating ng Pangulo at mga kapanalig nito.

Akala ba ng mga kruk na  kritiko ay makakaupo sila kapag nangyari ang dasal nila sa demonyo? Papayag ba ang mga iniinsulto at minamaliit nilang Sandatahang Lakas na sumusunod sa kanilang Commander-in-Chief na si PDu30?

Pahihintulutan din ba ito ng higit 90% na masang  suklam at sukang-suka sa estilo ng oposisyon?

Noong laging nakikita si Pangulo ay parati nilang sinasabing PALPAK ito na kinukunsinte pa ng biased mainstream media.

Eh ngayon, ang sinasabi nilang palpak ay FULL-PACKED at kayang -kayang magtrabaho 24/7 para sa bayan.

Di kabisado ng  mga switik na critic ni PDigong  ang laro sa kanila ng Punong Ehekutibo kaya lagi silang napupusoy sa kanilang mga tira-alahoy.

Kahit na malapit nang matapos ang termino (di na  makahintay ang mga buwitre) ni PDIgong ay hindi ito magiging LAMEDUCK president dahil lagi siyang FULL-PACKED…TUMPAK!!!