Muling pumalo sa 12,225 ang bilang ng bagong kaso SARS-CoV 2 na naitala ng Department of Health ngayong April 9.
Medyo mataas din ang naitalang mga bagong recoveries na umabot ngayon sa 946 gayundin ang naitalang namatay sa sakit na nasa 401.
Ang kabuuang bilang na ngayon ng tinatamaan ng naturang sakit sa bansa ay sumampa na sa 840,554 ; ang mga gumaling naman ay umabot na sa 647,683 habang 14,520 naman sa mga pumanaw.
Habang nasa 178,351 naman ang aktibo pang mga kaso na karamihan ay mga mild cases na nasa 97.5% habang 1.4 % naman ang asymptomatic.
Nasa 37 naman ang duplicates na inalis sa total case counts kung saan 18 ang recoveries.
Bukod dito, mayroong 213 kaso na na-tag bilang recoveries ang nareclassify bilang deaths matapos ang pinal na validation. Kaugnay nito, muling nanawagan ang DOH sa lahat na ipagpatuloy ang karampatang pag-iingat , sumunod sa mga health protocol at minimum public health standards upang sa gayun ay hindi na kumalat pa ang sakit at mapanatili ang pagbaba ng mga kaso,
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY