November 23, 2024

JACK ANIMAM, ITINALAGA NG SBP BILANG WOMEN’S BASKETBALL AMBASSADOR

Itinalaga ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) si Jack Animam bilang Basketball Ambassador. Malaki ang naging impluwensiya ng dating National University (NU) Lady Bulldogs sa mga young Pinay basketball players.

Naglaro si Animam ng 6 na taon sa NU at kalauna’y sa Shih Hsin University.

Ayon sa SBP, blessing si Jack para sa women’s basketball dito sa Pilipinas. Masaya aniya sila sa pagkakatalaga sa kanya para sa Women in Basketball program.

 “Aside from winning five straight championships in the UAAP, what really sets Jack apart was that she was always available when the country needed her services on the international stage may it be for 3×3 or five on five.”

“We know how passionate she is about elevating Filipina basketball players by giving them a bigger stage and that’s why she’s perfect for the role,” sabi ni SBP President Al Panlilio.

Nakapagtala ang Bulacan-native cager ng 96-0 sa collegiate career nito. Hindi siya nakapaglaro ng 2 games sa loob ng 6 na taong career.

Naging UAAP Season 80 at 81 MVP ang 6-foot-2 player, UAAP Season 78 Rookie of the Year, 2 SEA Games gold medals at hinirang bilang first-ever PSA Ms. Basketball award.