November 25, 2024

DAYUHAN NA WALANG KASAMANG KAANAK NA PINOY ‘DI PAPASUKIN SA PH – BI

Muling pinaalala ng Bureau of Immigration (BI) na hindi papayagang makapasok ng Pilipinas ang mga dayuhang magulang, asawa o anak ng Filipino citizens kung hindi nila kasama ang huli.

Muling iginiit ni BI Commissioner Jaime Morente, na may umiiral na alintuntunin para international travel na itinakda ng Inter-Agency Task Force

For the Management of Emerging Infectious Disease (IATF), hindi pinapayagan ang banyagang magulang, asawa at anak ng mga Filipino kung sila ay nag-iisa sa paglalakbay.

 Pinaalalahanan muli ni Morente ang mga dayuhan na bago sila makapasok sa bansa ay dapat may bitbit silang wastong visa. Aniya, ang pribilehiyo ng Balikbayan, na nagpapahintulot sa pagpasok sa bansa na walang visa para sa mga banyagang asawa at anak ng mga Filipino, ay nananatiling suspendido.

Ang paalala ay inilabas kasunod ng mga ulat na ilan sa mga dayuhan ay hinarang sa mga paliparan at hindi pinahintulutang makapasok sa bansa nang wala ang kanilang asawa, anak, o magulang na Filipino.

“Airlines and ships are obligated to ensure that only foreigners eligible to enter the country during the implementation of the travel restrictions are allowed to board their Philippine-bound flights,” ani Morente. “The ban, which started last March 22 is in effect until April 21,” dagdag pa ng opisyal.