December 24, 2024

VOLLEYBELLES WONG AT VIRAY, NILAMBAT NG FLYING TITANS

Kinuha ng Choco Mucho Flying Titans ang serbisyo nina veteran volleybelles Deanna Wong ng UST at Caitlyn Viray upang palakasin ang kanilang line-up sa mga hinaharap na laban ng team sa Premier Volleyball League (PVL).

Ang pagkuha sa dalawang volleybelles ay inanunsiyo sa official social media account ng koponnan kahapon.

 “Everything is SET. Bet you all saw this coming! Let’s all welcome Deanna Wong as she officially joins the Choco Mucho Flying Titans family!” saad ng tweet sa kanilang account, @CMFlyingTitans.

My oh my! It’s Caitlyn Viray! Welcome to the Choco Mucho Flying Titans family! We can’t wait to soar with you on the court!”

Si Wong, may taas na 5’8 ay naglaro sa Ateneo Lady Eagles kung saan pumalaot sila sa finals kontra UST Lady Tigresses at nagwagi ng Best Stellar Award noong nakaraang taon. Bukod dito, naglaro rin siya sa PVL Season 2 Open Conference sa Motolite team.

Si Viray naman ay miyembro ng UST squad na naglalaro sa posisyong middle blocket at wing spiker. Nakapaglaro na rin siya sa mga teams sa Superliga sa Smart-Army at Marinerang Pilipina.

Umaasa ang Flying Titans na mapaiigi nila ang team na nagtapos sa seventh place sa nakaraang 2019 Open Conference. Nauna nang nilambat team ang serbisyo ni dating Ateneo Lady Eagles libero Denden Lazaro noong nakaraang buwan.