September 20, 2024

51-ANYOS NA SI ALICE DIXON, NAGSILANG NG 1ST BABY

Labis ang pasasalamat ni Alice Dixson na matapos ang isang dekadang pagdarasal, ay natupad na ang pangarap nito na magka-baby.

 “For those of you who really know me – you’ve known that I’ve been praying for this every year on my birthday for 10 years now.

Each year – my wish the same when I blew out my candles.

So with great patience, belief and trust – I am happy to announce my wish has finally come true.”

Kasabay ng Biyernes Santo ngayong April 2, inanunsyo ni Dixson ang aniya’y “newest little family member” kalakip ang larawan ng newborn footprints.

Ayon sa 51-year-old actress, sa kabila ng mga hindi inasahang pagsubok sa gitna ng pandemya ay binigyan pa rin siya ng Diyos ng “little miracle.”

Taong 2019 nang maging bukas ang Binibining Pilipinas International 1986 sa pag-amin na sinusubukan na nila ng kanyang partner ang surrogacy dahil hirap siyang magbuntis.

Dati siyang ikinasal sa negosyanteng si Ronnie Miranda pero nauwi sa hiwalayan matapos ang 14 years.

Noong nakaraang taon nang maging maingay sa social media si Dixson dahil sa kanyanyang larawan habang nasa cannabis farm kung saan layunin pala na gumawa ng video blog (vlog) patungkol sa medical marijuana.

Burado na ang controversial marijuana farm tour photo nito, matapos umani ng hating reaksyon at binalaan pa ng ilan na baka raw puntiryahin ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Kanya na ring nilinaw ang hinggil sa tinaguriang “taong ahas” urban legend na kanyang kinasangkutan habang nasa isang sikat na mall sa Ortigas.

Dito ay iginiit ng actress/beauty queen na walang katotohanan ang kuwento na naisalin na sa iba’t ibang bersyon sa loob ng tatlong dekada.